Pormal nang ipatutupad sa Angeles City, Pampanga ang total ban mga paputok.
Ito ay matapos aprubahan ng City Peace and Order Council ang pagbabawal sa paggamit, pagbebenta at distribusyon ng paputok sa lungsod.
Ayon sa konseho, ito ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte at para na rin masiguro ang kaligtasan ng kanilang mamamayan.
Nanindigan ang pamahalaang panlunsod ng Angeles na maaari namang ipagdiwang ang Bagong Taon sa pamamagitan ng iba pang pampa-ingay.
—-