Muling nananawagan ang Department of Health o DOH para sa “total ban” ng mga paputok sa buong bansa.
Ito’y matapos makapagtala ang DOH ng 458 firecracker-related injuries noong holiday season na karamihan ay mula sa Metro Manila.
Nilinaw naman ni Health Secretary Janette Garin na bumaba ng 18 porsyento ang bilang ng mga naputukan ngayong taon kumpara noong 2015.
Binigyang diin ni Garin na mahalaga ang tuluyang pagbabawal sa mga paputok upang makaiwas sa disgrasya ang mga mamamayan.
Batay umano sa rekord ng ahensya, karamihan sa mga biktima ng mga paputok ay mula sa mga lugar kung saan ito pinapayagang ibenta.
By Jelbert Perdez