Isinusulong ng isang kongresista ang pagpapataw ng total ban ng POGO o Philippine Offshore Gaming Operations sa bansa kung hindi ito mabubuwisan ng maayos.
Ayon kay House Minority Leader Benny Abante Jr. kung maraming side issues at hindi ito mabubuwisan ay dapat ipagbawal na lamang ito.
Naniniwala si Abante na hindi maiiwasan ang korapsyon sa mga POGO sa bansa.
Iginiit din ng kongresista na hindi pwedeng nag ooperate sila sa bansa at hindi sila nagbabayad ng buwis o walang kita ang Pilipinas sa kanilang operations.
Magugunitang mayroong humigit kumulang 100 iligal na POGO online gaming ang mayroon sa bansa.