Uminit pa ang tensyon sa pagitan nina Venezuelan President Nicolas Maduro at ng gobyerno ng Amerika hinggil sa nangyaring total blackout sa Venezuela.
Ito’y makaraang sisihin ni Maduro si Venezuela Opposition Leader Juan Guaido at mga kasamahan nito sa oposisyon na hinihinalang nasa likod umano ng pagsabotahe sa kanilang bansa.
Inalmahan naman ito nina US Secretary Mike Pompeo maging si US National Security Advisor John Bolton at sinabing wala silang nalalaman tungkol dito.
Samantala, kasunod nito ay nanawagan si Guaido sa mga mamamayan na magsagawa ng kilos-protesta laban kay Maduro.