Tumaas sa 3.8% ang total cash remittances ng Overseas Filipino Workers (OFW) kumpara sa parehong panahon noong 2021.
Sa kabuuan, aabot sa 23.83 billion dollars ang mga cash remittances mula Enero hanggang Setyembre.
Ayon sa Bangko Sentral Pilipinas (BSP), mas mataas ng 3.1% mula sa 23.12 billion dollar sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Nagmula ang mga cash remittances mula sa United States, Saudi Arabia, Singapore at Qatar.
Samantala, tumaas ng 4% noong September hanggang 3.15 billion dollars ang mga personal na remittances. —sa panulat ni Jenn Patrolla