Nadagdagan ng 40,397 ang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Dahil dito, ayon sa Department of Health (DOH), sumipa na sa 112,586 ang total recoveries sa bansa.
Kinumpirma naman ng DOH ang pag-akyat sa 161,253 ng COVID cases nang makapagtala ng karagdagang 3,420 na bagong impeksiyon sa buong kapuluan.
Samantala, sumampa na sa 2,665 ang death toll kasunod ng pagpanaw ng 65 pang pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,420 ngayong Linggo, Agosto 16.
Dahil dito, pumalo na sa 161,253 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/P69q543aNL
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 16, 2020