Pumalo na sa 232,906 ang bilang ng mga gumaling mula sa oronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos makapagtala ng 787 na bagong recoveries ang Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, 301,256 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa dahil sa 2,727 na bagong impeksiyon na nadagdag sa naturang listahan.
Sa bilang na ito, napag-alaman na nasa 63,066 ang aktibong kaso.
Pinakamarami pa rin dito ay mula sa Metro Manila na 1,115, sinundan ng Negros Occidental (196), Cavite (153), Laguna (112) at Cebu (107).
Samantala, umakyat na sa 5,284 ang death toll sa buong bansa kasunod ng pagpanaw ng 88 pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,747 ngayong Sabado, Setyembre 26.
Pumalo na sa kabuuang 301,256 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 63,066 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/6Q2bAaKDb9
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 26, 2020