Mas dumami pa ang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makarekober ang 842 na pasyente dahilan upang pumalo na sa 276,094 ang total recoveries.
Nakapagtala naman ang Department of Health (DOH) ng 2,249 na bagong kaso kaya’t sumampa na sa 336,926 ang kabuang bilang ng impeksiyon sa buong bansa.
Samantala, umakyat na sa 6,238 ang death toll kasunod nang pagpanaw nang 87 pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,249 ngayong Sabado, Oktubre 10.
Pumalo na sa kabuuang 336,926 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 54,594 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/A3MiMH04EE
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 10, 2020