Sumampa na sa 273,079 ang bilang ng mga gumaling mula coronavirus disease 2019 (COVID-19) makaraang makarekober ang 18,065 na pasyente.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), umakyat naman sa 322,497 ang mga kumpirmadong kaso sa bansa matapos maitala ang 3,190 na bagong impeksiyon.
Sa bilang na ito, ayon sa DOH, 43,642 ang mga aktibong kaso.
Samantala, pumalo na sa 5,776 ang death toll kasunod nang pagpanaw ng isang daan pang pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,190 ngayong Linggo, Oktubre 4.
Pumalo na sa kabuuang 322,497 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 43,642 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/fxbFc06GRv
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 4, 2020