Sumampa na sa 275,307 ang bilang ng mga nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,045 na bagong recoveries.
Batay sa COVID-19 bulletin ng DOH, pumalo na sa 334,770 ang kabuuang bilang mga tinamaan ng virus sa buong bansa dahil sa 2,996 na bagong kaso.
Samantala, sumirit na 6,152 ang death toll kasunod nang pagpanaw ng 83 pang pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,996 ngayong Biyernes, Oktubre 9.
Pumalo na sa kabuuang 334,770 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 53,311 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/dFkS8BZHN2
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 9, 2020