Umakyat na sa 229,865 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health (DOH), ito’y kasunod nang paggaling ng 20,021 na pasyente.
Dahil dito, nasa 51,894 na lamang ang active cases.
Nakapagtala naman ng DOH ng 3,311 na bagong impeksiyon dahilan upang sumirit sa 286,743 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa bansa.
Samantala, sumampa naman sa 4,984 ang death toll kasunod nang pagpanaw ng 55 pang COVID-19 patients.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 3,311 ngayong Linggo, Setyembre 20.
Pumalo na sa kabuuang 286,743 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 51,894 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/fbQa7DvSWd
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 20, 2020