Sumirit na sa 293,075 ang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Ito’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 17,057 na bagong recoveries.
Sa pinakahuling case bulletin ng DOH, nagkaroon ng 2,502 na bagong impeksiyon dahilan upang pumalo naman sa 339,341 ang coronavirus cases sa bansa.
Sa nabanggit na bilang, nasa 39,945 na lamang ang aktibong kaso.
Samantala, sumampa naman sa 6,321 ang death toll kasunod nang pagpanaw ng 83 pang pasyente.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 2,502 ngayong Linggo, Oktubre 11.
Pumalo na sa kabuuang 339,341 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 39,945 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/7nm9RtmM2o
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 11, 2020