3 pang overseas Filipino ang gumaling sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), umakyat na sa 8,820 ang total recoveries ng mga Pinoy sa ibayong dagat.
Wala namang bagong kaso naitala ngayong araw, Enero 24, kung kayay na sa 13,779 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy abroad ang tinamaan ng coronavirus.
Nanatili rin sa 935 ang death toll sa COVID-19 ng mga overseas Pinoy, matapos walang naitala na bagong nasawi sa nakakahawang sakit.
Samantala, nasa 4,017 pang mga Pinoy abroad ang patuloy na nagpapagaling sa virus. — sa panulat ni John Jude Alabado
24 January 2021
The DFA received a lone report confirming 3 new recoveries among Filipinos in the Americas. (1/3)@teddyboylocsin pic.twitter.com/BE7fvssV2N
— DFA Philippines (@DFAPHL) January 24, 2021