Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na walong araw nang walang naitatalang bagong namatay sa bunsod ng COVID-19.
Mababatid na dahil dito ay nananatili ang total COVID-19 deaths sa 60, 455.
Bagama’t nakapagtala kahapon ang DOH ng 200 bagong kaso ng COVID-19 ay nasa sa 2,434 na lamang ang bilang ng mga aktibong kaso, habang 3,627,365 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa sakit.
Samantala, nangunguna pa rin ang Metro Manila na may pinakamaraming kasong naitala sa nakalipas na linggo na sinundan ng Calabarzon at Central Luzon.