Isinusulong ni Senator Raffy Tulfo ang total deployment ban sa Kuwait kasunod ng pagkasawi ng Overseas Filipino Workers (OFW) na si Jullebee Ranara.
Ayon kay Senator Tulfo, na umuupong Committee on Migrant Workers sa upper chamber ng kongreso, dapat magkaroon ng bilateral meeting sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait kung saan, dapat mabigyan ng prayoridad ang mga kondisyon na ibibigay para sa mga Pinoy OFWs na magtatrabaho sa nasabing bansa.
Sinabi ng senador na dapat mailigtas ang mga Pilipino na nakararanas ng hirap katulad ni Ranara na natagpuang wala nang buhay sa isang disyerto.
Iginiit ni Tulfo na maraming mga Pinoy workers ang inaabuso, pinapatay at nangangailangan ng tulong kaya dapat ibalik ang total deployment ban.