Nakatakdang mag-issue si Labor Secretary Silvestre Bello III ng total deployment ban order sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait, bukas.
Ayon kay Raul Francia, spokesman ng Department of Labor and Employment, susuriin nila ang iba pang detalye partikular ang mga manggagawang sasaklawin at mga bagong recruit ay kailangang linawin sa kautusan.
Pupulungin din anya ni Bello ang Philippine at Cebu Pacific Airlines na nagpahayag ng kahandaang tumulong sa repatriation ng mga distressed OFW.
Samantala, nilinaw ni Francia na tanging saklaw ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pauwiin ang mga OFW sa Kuwait sa loob ng tatlong araw ay mga manggagawang nais umuwi, distressed worker at nasa 2,000 nag-apply para sa amnesty.
Magugunitang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na nasa 800 OFW mula Kuwait ang nakatakdang umuwi maging ang iba pang Pinoy mula sa naturang gulf state sa mga susunod na araw.