Ipinatupad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang total deployment ban ng ofw’s sa Ethiopia.
Sa gitna ito ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Ethiopian goverment at insurgents.
Sa ilalim ng Governing Board Resolution No. 12, series of 2021, inaatasan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na magkaroon ng plano kung paano papauwiin ang lahat ng pilipino mula sa nasabing bansa.
Matatandang noong November 8, unang itinaas ng Department of Foreign Affairs ang alert level 4 sa Ethiopia.
Sinabi ng United Nations na libo-libo na ang namatay dahil sa kaguluhan at nasa 400,000 indibidwal ang nakakaranas ng matinding taggutom sa naturang bansa. —sa panulat ni Hya Ludivico