Nagpatupad ang Department of Labor and Employment o DOLE ng total deployment ban sa South Sudan.
Kasunod ito ng itinaas na alert level 4 ng Department of Foreign Affairs o DFA sa naturang bansa dahil sa matinding kaguluhan at banta sa seguridad.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sakop ng deployment ban ang lahat ng processing at deployment ng lahat ng mga overseas Filipino workers na magtutungo sa South Sudan.
Nagmula ang kaguluhan sa naturang bansa dahil sa tumitinding tensiyon sa pagitan ng mga pwersa ni South Sudan President Salva Kirr at protection unit ng Sudan’s liberation army ni rebel leader at dating vice president Riek Machar.