Desidido ang Department of Health na itulak ang total firecrackers ban sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Jun Belizario, total ban lamang sa mga paputok ang nakikita nilang pangmatagalan kung hindi man permanenteng solusyon sa taon taon na lamang na pagbibilang ng mga nadidisgrasya dahil sa paputok.
Nilinaw ni belizario na tanging ang pagbebenta sa publiko ang nais nila na tuluyang ipagbawal.
Una rito, sinabi ni Health Secretary Janet garin na dapat mas maging mahigpit pa ang monitoring sa mga nagbebenta ng Piccolo dahil mahigit 60 porsyento ng mga nasugatan sa pagpapaputok ay dahil sa Piccolo.
“Pipilitin at ipu-push forward itong firecracker ban. Ito ang tingin naming solusyon na pangmatagalan. Ang gusto namin, zero casualty,” paliwanag ni Belizario.
By: Len Aguirre