Nanawagan ang 3 grupo sa Commission on Elections (COMELEC) na magpatupad ng total gun ban sa panahon ng election period sa 2016.
Sa liham na ipinadala ng Gunless Society, Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV at Physicians for Peace, iginiit ng mga ito na dapat mag-adopt ng bagong polisiya ang COMELEC kung saan hindi ito magkakaloob ng gun ban exemption, maliban sa miyembro ng mga pulis, militar at iba pang law enforcement agencies.
Mahigpit na tinututulan nina Gunless Society President Nandy Pacheco, PPCRV Chair Henrietta de Villa at Physicians for Peace Chair Dr. Teodoro Herbosa ang pagbibigay ng gun ban exemptions sa mga kandidato.
Umaasa naman ang tatlo na papaboran ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez ang hirit nilang total gun ban.
Ang gun ban ay ipinapatupad tuwing election period at binibigyan ng exemption ang mga government officials, VIP’s at kandidato na mayroong banta sa kanilang buhay.
By Meann Tanbio