Kasado na ang apat na araw nationwide lockdown sa Lebanon.
Ayon kay Prime Minister Hassan Diab, ito’y bunga ng pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa kanilang bansa.
Sinasabing umakyat na sa 870 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 doon.
Una nang nagpatupad ng five-phased plan ang Lebanon matapos mapapaba ang bilang ng mga confirmed cases pero kinailangang magpatupad muli ng total lockdown bunsod ng second wave ng outbreak.