Total lockdown ang ipinaiiral ngayon sa isang syudad sa lalawigan ng Isabela dahil sa pagdami ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases, kabilang ang alkalde ng lungsod.
Inilagay sa ECQ ang Ilagan City sa Isabela matapos makapagtala ng 12 aktibong kaso na hinihinalang bunga ng local transmission.
Sa ilalim ng Executive Order 54, bawat na munang pumasok at lumabas ng lungsod maliban sa mga authorized persons na may mahahalagang transaksyon mula ngayon hanggang sa August 12.
Samantala, sinabi ni Ricky Laggui, focal person ng Ilagan City Inter Agency Task Force na asymptomatic naman si Mayor Jay Diaz at nasa strict isolation na ang alkalde.