Wala pang planong magpatupad ng total lockdown si Negros Oriental Governor Roel Degamo sa kabila ng patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19 cases sa lalawigan.
Ayon kay Degamo, hindi kakayanin ng lalawigan ang isang total lockdown kung hindi tutulong ang national government.
Tanging mga granular lockdown lamang aniya ang kanilang pinakamabisang solusyon upang tugunan ang problema sa pandemya habang pinangangalagaan ang ekonomiya.
Magugunitang hiniling ng Dumaguete City council sa Inter-Agency Task Force ng lungsod na irekomenda sa gobernador ang posibleng paghihigpit sa quarantine status sa siyudad na kasalukuyang nasa modified general community quarantine (MGCQ).
Umabot na sa 1,837 ang active COVID-19 cases sa lalawigan kabilang ang 638 cases sa Dumaguete City. — Sa panulat ni Drew Nasino.