Pinaghahandaan na ng Manila Police District Sampaloc Police Station ang pagpapatupad ng total lockdown sa Sampaloc area ng Maynila.
Ayon kay Lt. Col. John Guiagui, hepe ng Sampaloc Station, nakikipagpulong na rin sila sa mga Barangay Captains upang mas epektibong maipatupad ang total lockdown.
Napagdesisyunan aniya ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila dahil sa simula pa lamang ay ang Sampaloc na ang nangunguna sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19.
‘Wag tayong matakot dito instead let’s just prepare our self anyway ito na lang naman ay maaring dalawa, tatlong araw para lang naman ito sa ating kapakanan. Ang gagawin lang naman natin ay mag-imbak lang naman ng ating pagkain during that 2 day o 3 days na ilang araw na lockdown, yung mga nag-aalala na may mga schedule na may dialysis, check-up, or ano huwag kayong mag-alala dahil papalabasin naman at sasamahan pa ng ating kapulisan,” ani Guiagui. — mula sa panayam ng Ratsada Balita.