Pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagpapatupad ng total lockown sa distrito ng Sampaloc sa Maynila.
NEWS ALERT: Manila City Mayor @IskoMoreno confirms that a lockdown will be implemented in the Sampaloc area but he says authorities are still “planning it carefully.”
The schedule of the lockdown is yet to be announced, he said.#AlertoManileno #COVID19PH pic.twitter.com/FCDCJ9uV7b
— Manila Public Information Office (@ManilaPIO) April 19, 2020
Ito mismo ang kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lugar at ng mga lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Moreno, masusi pa itong pinag-aaralan ng mga otoridad at sa ngayon ay wala pang nakatakdang schedule ng lockdown.
Samantala, ayon naman kay Sampaloc Station Commander Police Lieutenant Colonel John Guiagui, nangangahulugan ito na mawa-walang bisa ang quarantine pass ng mga residente dahil walang sinuman ang papayagang lumabas ng kani-kanilang mga bahay, maliban na lamang sa ilang iksempsyon.
Bibigyan din aniya ng sapat na oras ang mga residente upang makapaghanda sakaling magpatupad ng lockdown sa naturang distrito.
Papayagan namang makalabas ng kanilang mga bahay ang mga medical personnel, emergency responders, security services personnel, mga empleyado sa mga phayrmacy, drug stores at punerarya sa ilalim ng lockdown.
Oras na magpatupad ng lockdown, aatasan ang pulisya at militar na magpatrolya sa mga kalye sa lugar na isasara rin sa daloy ng trapiko maliban sa Blumentritt, España Boulevard, Lacson Street, Dimasalang Street, CM Recto, Ramon Magsaysay Boulevard, Nicanor Reyes Street, at Legarda Street.
Sa ngayon ay mayroon nang mahigit 400 na COVID-19 cases sa Maynila kung saan 95 sa mga ito ay nagmula sa dsitrito ng Sampaloc.