Masisilayan na mamayang gabi sa bansa ang total lunar eclipse.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magsisimula ang total eclipse mamayang 6:18 ng gabi.
Bandang 6:59 naman ay inaasahan ang maximum eclipse at matatapos ang total eclipse dakong 7:41 ng gabi.
Maliban sa Pilipinas, masasaksihan din ang total lunar eclipse sa Asya, Australia, North America, bahagi ng northern at eastern Europe, at karamihan ng mga bansa sa South America.
Magkakaroon naman ng livestream ang PAGASA Astronomical Observatory kaugnay sa naturang astronomical phenomena na ipapalabas sa PAGASA official Facebook page at PAGASA YouTube channel.