Masasaksihan sa Pilipinas ang total lunar eclipse sa November 8.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nasabing astronomical phenomenon ay magsisimula ng alas-5:19 ng hapon na tatagal hanggang alas-9:58 ng gabi.
Makikita naman ang greatest eclipse sa bansa bandang alas-6:59 ng gabi.
Bukod sa Pilipinas, masisilayan din ang total lunar eclipse sa Asya, Australia, North America, bahagi ng Northern at Eastern Europe, at karamihan ng mga bansa sa South America.
Magkakaroon naman ng livestream ang PAGASA Astronomical Observatory kaugnay sa pambihirang astronomical event sa pamamagitan ng official Facebook at Youtube channel nito.