Pinag-aaralan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang pagrerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng total overhaul sa Bureau of Immigration.
Sa ambush interview kay Aguirre, hayagan nitong sinabi ang plano nitong malawakang balasahan sa mga opisyal at tauhan ng immigration.
Aminado si Aguirre na nasa kamay ng Pangulo ang kapangyarihan para mag-appoint ng mga bagong tao sa kawanihan kasunod na rin ng nabulgar na garapalang suhulan ng ilang tiwaling kawani nito.
Naniniwala ang kalihim na nasa loob mismo ng Bureau of Immigration ang sindikato bago pa man pumutok ang umano’y pagtanggap ng suhol ng sinibak na sina Dep. Comm. Al Argosino at Michael Robles mula sa gambling tycoon na si Jack Lam.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo