Nagpatupad ng total revamp ang Bureau of Immigration (BI) sa mga tauhan nilang nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, 2 at 3.
Ayon kay Immigration commissioner Jaime Morente, kahit noong 2016 pa ay mayroon nang ipinatutupad na mga pagbabago sa BI.
Gayunman, nang mabunyag anya ang “pastillas scheme” ay agad nilang binalasa ang mga tauhan nila sa airport.
Napag-alaman na tinatayang 800 tauhan ng Immigration ang naapektuhan ng naturang pagbalasa.
Matatandaan na tauhan mismo ng BI ang nagbunyag na binibigyan ng VIP treatment ang mga dumarating na Chinese nationals kapalit ng pera.