Naniniwala si Riles Network Spokesperson Sammy Malunes na kailangang ipatigil muna o magkaroon ng “total shutdown sa operasyon ng Metro Rail Transit o MRT-3.
Ito ay matapos tuluyang nang i-terminate ng Department of Transportation o DOTr ang maintenance contract ng Busan Universal Rail Incorporated o BURI.
Ayon kay Malunes, tiyak na kakayanin ng DOTr na i-rehabilitate ang sistema ng MRT sa loob lamang ng isang linggo tulad ng ginawa noon ng LRTA o Light Rail Transit Authority kung saan siya dating empleyado.
Gayunman, giit ni Malunes, kailangan lamang ng isang kumpanya na titingin sa lahat ng sistema na loob ng MRT-3.
“Ang problema magkakaiba ang kumpanya, magkakaibang nagpapaligsahan, nade-delay yung isa, yung isa advance, yung isa on time, pero kung isang kumpanya lang yan na nag-ooversight halimbawa LRTA, gawin ng technicians, light maintenance, heavy maintenace etc, madali lang yan kasi karanasan po namin yan.” Pahayag ni Malunes
(Ratsada Balita Interview)