Posibleng buong kontinente ng North Amerika ang makaranas ng solar eclipse sa Agosto 21.
Ito ang kauna-unahang total solar eclipse sa North Amerika sa nagdaang isang siglo.
Ang solar eclipse na tinaguriang The Great American Eclipse ang isa sa pangunahing dahilan ng pagtaas ng turismo ngayon sa Estados Unidos.
Kasado na rin di umano ang iba’t ibang selebrasyon sa iba’t ibang panig ng North Amerika.
Samantala, magkakaroon ng live performance si Bonnie Tyler sa isang Caribbean cruise ship sa araw ng solar eclipse kung saan kakantahin nya ang total eclipse of the heart na sumikat noong 1983.
By Len Aguirre