Supendido ang tourism activities sa Sagada, Mountain Province dahil sa Bagyong Jolina.
Ayon kay NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Romina Marasigan, para sa mga may planong mag-long weekend sa Sagada ay mainam aniyang huwag na lamang ituloy dahil suspendido ang turismo dito.
Pinayuhan ni Marasigan ang publiko na manatili na lamang sa mga bahay ngayong weekend para sa kanilang kaligtasan.
Tiniyak naman ng NDRRMC na handa ang kanilang tanggapan sa anumang posibleng epekto ng bagyong Jolina.
By Ralph Obina