Kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na kakayanin nilang maabot ang taunang 12 milyong bilang ng mga turista sa bansa hanggang sa 2022.
Ayon sa DOT, maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pinagting na partnership ng kagawaran sa mga karatig bansa maging sa mga airlines at iba pang stakeholders industry.
Kasabay nito, ipinabatid ng DOT na kanilang isinusulong ang sustainable at responsible tourism para mapalakas pa ang turismo sa bansa.
By Ralph Obina