Nagbitiw na sa puwesto si Tourism Spokesman at Assistant Secretary Ricky Alegre alinsunod sa kautusan ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Ito, ayon kay Alegre, ay upang magbigay daan kina Pangulong Rodrigo Duterte at Puyat sa pagpili ng karapat-dapat magsilbi sa Department of Tourism o DOT.
Setyembre taong 2016 nang italaga si Alegre bilang Assistant Secretary sa DOT.
Gayunman, dahil aniya sa mga “hindi inaasahang pangyayari” ay kinailangan niyang magbitiw lalo’t nagsisilbi lamang sila sa Pangulo.
Magugunitang ipinag-utos ni Puyat sa kanyang unang araw bilang bagong kalihim kapalit ng nagbitiw na si Secretary Wanda Teo ang pag-re-resign ng lahat ng undersecretary at assistant secretary ng kagawaran.
—-