Dinaluhan nina Senador Lito Lapid at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority Chief Operating Officer Mark Lapid ang tourism forum ng local government units, tourism officers, at tourism students sa Eastern Samar State University sa Borongan City.
Sa nasabing forum, sinuportahan ng mag-amang Lapid ang pagbuo ng isang komprehensibong tourism master plan sa buong lalawigan.
Isinusulong ni House Minority Leader Marcelino Libanan ang isang Tourism Master Plan para sa mga hakbang, mga plano at programang magpapalago at magsusulong ng turismo, kultura at tradisyon, hindi lamang sa lalawigan, kundi sa buong rehiyon.
Ayon kay COO Mark Lapid, mayroon nang ilang proyekto na nakalatag at ginagawa sa iba’t ibang bayan sa Eastern Samar.
Maraming tourist spots din aniya sa lalawigan ang hindi pa masyadong na-i-explore ng mga turista dahil sa kakulangan ng maayos na mga pasilidad, transportasyon, elektrisidad, imprastraktura, at hotel accommodation dito.
Dumalo sa nasabing forum ang nasa 250 participants, kabilang na ang ilang Mayors, Municipal Tourism Officers, Municipal Planning and Development Officers, at mga tourism student mula sa Eastern Samar State University.