Muling naghugas-kamay si Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano sa halip ay sinisi ang kanyang dating boss na si resigned Tourism Secretary Wanda Teo sa kontrobersyang kinasasangkutan.
Ayon kay Montano, si Teo ang nag-rekomenda sa board ng kontrobersyal na 320 Million Peso “Buhay Carinderia” program na sinisilip na ng Commission on Audit dahil sa hindi pagdaan sa tamang bidding process.
Ang dating kalihim din anya ang nagsulong upang magbayad ng 80 Million Pesos ang board sa Marketing Agency na Marylindbert International sa loob lamang ng isang buwan.
Ang naturang marketing agency ay pag-aari ni Erlinda Legaspi, na organizer naman ng “Buhay Carinderia” na isang video series na layuning ipakilala ang mga local eatery.
Ang proyekto ang pinasinayaan ni Legaspi noong 2011 subalit nito lamang Marso inisponsaran ng T.P.B.