Nahaharap sa patung-patong na reklamo si Tourism promotions board chief operating officer Cesar Montano makaraang lumiham sa presidential action center ang mga empleyado ng kanyang tanggapan.
Kabilang sa dalawampu’t apat na inirereklamo laban kay Montano ang umano’y maanomalyang mahigit labing-anim na milyong pisong cash sponsorship contract sa isang kumpanyang nangasiwa sa pro-Duterte rally sa Luneta noong Pebrero a-bente singko, anibersaryo ng people power revolution.
Kinukwestyon din ng mga empleyado ng tourism promotions board ang pag-hire ni Montano ng kanyang sariling mga tauhan na may katulad na mga tungkulin sa mga naturang empleyado.
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Montano bilang chief operating officer ng tourism promotions board noong Disyembre lamang.
By Avee Devierte