Bawal muna ang pagsasagawa ng hiking, trekking, biking, caving at iba pang tourism related activities sa iba’t-ibang tourist destinations sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Ito ay ayon sa Public Tourism Advisory ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction And Management Council (CRDRRMC) ay dahil sa hindi magandang lagay ng panahon.
Inabisuhan din ang publiko na iwasan muna ang mga lugar na landslide at flashflood prone.
Tiniyak ng CDRRMC na ang local DRRMC ng bawat lalawigan sa rehiyon ay nakatutok sa kani-kanilang nasasakupan at sa weather updates mula sa PAGASA.