Sumailalim sa 10-day self quarantine si Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat matapos makahalubilo ang isang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa inilabas na pahayag ng Department of Tourism, ipagpapatuloy pa rin ng kalihim ang kaniyang isolation kahit pa nag negatibo na ang resulta nito sa kaniyang RT-PCR test.
Nakatakda sanang magtungo sa Boracay si Puyat para magsawaga ng inspeksyon bago magsimulang tumanggap muli ng mga turista ang mga resort at hotel sa nasabing isla.