Nag inspeksyon sa kauna-unahang pagkakataon si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa Boracay Island.
Si Romulo-Puyat ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kapalit ni dating Tourism Secretary Wanda Teo matapos na masangkot sa kontrobersiya.
Ayon sa Kalihim, right on track ang ginagawang rehabilitasyon sa isla at handa na sa nalalapit na pagbubukas nito sa Oktubre.
Aniya, nakatakda siyang makipagpulong kina Environment Secretary Roy Cimatu at Interior Secretary Eduardo Año para sa ilalatag na guidelines sa muling pagbubukas ng Boracay.
Siniguro naman ni Romulo-Puyat na sa muling pagbubukas ay hinding-hindi papayagan na mayroong mag operate na casino sa isla.