Dumalo kahapon si Tourism Secretary Wanda Teo sa cabinet meeting sa Malakanyang sa gitna ng mga panawagang magbitiw na siya sa pwesto at naka-umang na imbestigasyon sa senado.
Kaugnay ito sa kontrobersyal na advertisement deal sa pagitan ng Department of Tourism at government station na PTV-4.
Sa larawang ipinakita ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, nakipag-kamay pa si Teo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-25 cabinet meeting.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, required ang lahat ng miyembro ng gabinete na mag-report sa meeting.
Gayunman, hindi idinetalye ni Roque kung nagkaroon ng personal na pag-uusap sina Pangulong Duterte at Teo.