Puspusan na ang Department of Tourism sa pagbabakuna ng mga tourism worker kahit isinailalim muli sa lockdown ang Metro Manila at iba pang lugar.
Ayon kay tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, target nilang bakunahan kahit first dose lamang ang mas maraming tourism worker sa Metro Manila hanggang katapusan ng Agosto.
Ang lahat naman aniya ng nagtatrabaho sa mga quarantine hotel ay babakunahan ngayong linggo o sa susunod na linggo.
Kabilang din ang mga nasa A4 category o mga ikinukunsiderang economic frontliners sa vaccination drive ng DOT.
Bukod sa NCR, target din ng kagawaran na bakunahan ang mas marami pang tourism worker sa mga lalawigan lalo sa Palawan at Boracay.—sa panulat ni Drew Nacino