Inaasahan ng Bureau of Immigration ang pagtaas ng bilang ng dayuhang bibisita sa Pilipinas sa pagluluwag ng travel restrictions.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang pag-alis ng RT-PCR requirement para sa mga dumarating na biyahero, na fully vaccinated at kahit na may isang booster shot ay naka e-engganyo sa ilang dayuhang turista na bumisita sa bansa.
Ang Travel Insurance Requirement anya para sa mga paparating na pasahero ay tinanggal na rin at bagaman hindi na hinihingi ay mahigpit pa ring inirerekomenda ang health protocol.
Sa datos anya ng ahensya ay aabot sa 15K ang tourist arrival sa bansa kada araw, noong tag-init.