Pumalo sa 4-year high ang tourist arrivals sa Pilipinas nitong buwan ng Pebrero.
Batay sa datos ng Department of Tourism (DOT), nasa mahigit limandaan at pitumpu’t siyam na libong (579,000) mga turista ang bumisita sa bansa na katumbas ng dalawampu’t pito punto walumpu’t isang (27.81) porsyentong pagtaas sa nakalipas na apat na taon.
Mas mataas din ito ng lima punto tatlumpu’t anim (5.36) na porsyento kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.
Nangunguna pa rin sa mga dayuhang turista sa bansa ang mga taga-South Korea na aabot sa mahigit isandaan at limampung libo (150,000) na dalawampu’t anim (26) na porsyento ng kabuuang tourist arrival sa bansa.
Sinundan naman ito ng mga bansang Estados Unidos, China, Japan at Taiwan.
By Ralph Obina
Tourist arrival nitong buwan ng Pebrero pumalo sa 4-year high was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882