Pumalo sa all-time high na mahigit 633,000 ang tourist arrivals sa bansa, noong Enero.
Kumpara ito sa tinatayang 540,000 visitors sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ipinagmalaki naman ni Tourism Secretary Wanda Teo ang panibagong tagumpay at tiniyak na magpapatuloy ang “momentum” sa pamamagitan ng implementasyon ng national tourism development plan para sa taong 2016 hanggang 2022.
Nananatili ang South Korea sa may pinaka-malaking tourist arrival sa Pilipinas na aabot sa 154,000; Estados Unidos 100,000;
China, halos 86,000; Japan 51,000 at Australia na may mahigit 27,000.
By: Drew Nacino