Tumaas ng 14% ang international tourist arrival sa bansa ngayong taon ayon sa Department of Tourism (DOT).
Batay sa tala ng ahensya, nasa higit 700,000 turista ang bumisita sa bansa mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.
Mas mataas ito kumpara sa higit 500,000 na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, epektibo ang mga ginagawa ng pamahalaan para mas mapalago pa ang turismo sa bansa.
Isa rin aniya itong “encouragement” para mas mapaganda pa ang mga proyekto na tututok sa turismo.
Sa ngayon ay hinihintay pa ng ahensya ang resulta ng pinakahuling tala ng tourist arrival noong nakaraang buwan.