Bumaba na ng apatnapung (40) porsyento ang tourist arrival sa Boracay.
Ayon sa ulat, kakaunti na lamang ang mga nakikitang turista nitong mga nakaraang araw at nagsimula na ring humupa ang night life sa isla dahil sa nakatakdang pagpapasara dito bukas.
Nagsimula naman nang mag-impake ang ilang mga residente at mga nagtatrabaho sa isla dahil sa pansamantala silang mawawalan ng kabuhayan sa isla.
Gayunman, tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang tulong para sa mga maaapektuhan ng temporary closure ng Boracay.
—-