Bumagsak ang tourist arrival sa Boracay matapos ikasa ang NCR Plus bubble.
Ipinabatid ni Felix Delos Santos, Jr., Malay Municipal Tourism Officer, na halos nasa 228 na lamang ang turistang dumating sa Boracay noong Lunes, ika-22 ng Marso.
Sinabi ni Delos Santos na maraming nakanselang bookings ng mga turista patungong Boracay matapos pigilan ng Civil Aeronautics Board ang lahat ng leisure flights batay sa kautusan ng Department of Transportation.
Ang mga turista mula sa National Capital Region at mga katabing lalawigan ang mga nangungunang bumibisita sa Boracay simula nang buksan ito para sa domestic tourism noong Oktubre 2020.