Tumaas ng mahigit 15% ang kabuuang bilang ng tourist arrival sa Pilipinas nitong 2019 kumpara sa naitala noong 2018.
Batay ito sa datos ng Department of Tourism (DOT) kung saan umabot sa 8.26-milyong turista ang dumating sa bansa nitong 2019.
Mas mataas anila ito sa target ng ahensiya na 8.2-milyon.
Ayon sa DOT, kanilang naitala ang pinakamataas na porsyento ng pagtaas sa tourist arrival noong Agosto na umabot sa 27.54%.
Habang naitala naman noong Disyembre 2019 ang pinakamataas na bilang ng mga turistang dumating sa bansa na pumalo sa mahigit 776,000.
Samantala, nangunguna pa rin sa pinakamataas na tourist arrivals ang mga South Korean, sinundan ng Chinese, Amerikano at mga Hapon.