Tumaas ang tourist arrival ng Pilipinas nitong Pebrero 2016 kumpara noong nakaraang taon sa kaparehong period.
Batay sa datos ng Department of Tourism, pumalo sa mahigit sa kalahating milyon ang bumisita sa bansa o mas mataas ng 20.42 porsyentong kumpara sa mahigit 400,000 bisita noong 2014.
Ayon kay Tourism Secretary Ramon Jimenez, ito ang malaking pagbabago sa sektor ng turismo sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Iginiit ni Jimenez na patunay lamang ito na kumbinsido ang mga dayuhang turista na “It’s More Fun in the Philippines”.
Pinakamalaking bilang pa rin ng mga dayuhang bisita ang mga Koreano na nasa 284,000 o one fourth ng kabuuang tourist arrival sa bansa.
Pumangalawa naman ang mga Amerikano na sinundan ng mga Chinese, Japanese, Australian, Canadian, Taiwanese, Singaporean, Briton at Malaysian.
By Ralph Obina